Ni-raid ng awtoridad ang sinasabing cyber scam hub sa limang palapag na gusali sa may Zamora Street, Pasay City.
Dito tumambad ang daan daang cellphones, computers, SIM cards at iba pang gamit sa pang-iiscam.
Ayon sa Department of Justice, love scam at cryptocurrency scam ang ilan sa nakikita nilang modus ng mga nagpapatakbo nito.
Nasa 650 naman ang itinuturing na persons of interest, kung saan 400 dito ay Pilipino habang ang natitira ay mga Chinese at Indian Nationals.
Na-rescue rin ang Pilipinong pinaniniwalaang una nang na-rescue mula sa cryptocurrency scam operations sa Myanmar.
Samantala, ayon sa inisyal na imbestigasyon, isang Chinese National ang nagpapatakbo sa likod nito.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad dito.
#