1 patay sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa San Vicente, Palawan

Patay ang 16-anyos na rider na si Kurth Denzille Calumbiran matapos mabangga ng kasalubong na lasing na rider na si Rogie Tumimbang Nobleza sa Barangay. New Agutaya, San Vicente, Palawan nitong Sabado ng hapon, Ika-17 ng Pebrero.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Sa ulat ng PNP, mabilis ang patakbo ni Nobleza nang sakupin nito ang linya ng kasalubong na si Kurth dahilan ng banggaan.

Nagtamo ng minor injury si Nobleza habang si Kurth ay isinugod sa San Vicente District Hospital bago itinakbo sa Puerto Princesa ngunit binawian ito ng buhay dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Samantala, kulong ang lasing na rider dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and damage to property na agad isinailalim sa inquest proceeding.