Sk Federation President, nananawagan na maging maayos ang sistema sa voter’s reg.

Nanawagan din ang Sk federation President sa Puerto Princesa sa COMELEC upang maging maayos ang sistema sa Voter’s registration.

Ayon kay Councilor Myka Magbanua, hiniling ito ng Sangguniang Panlungsod kay City Comelec Officer Atty. Cuevas noong Lunes pero may mga ikikonkonsidera kung bakit sa mga mall isinagawa ang registration.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sinabi pa nito na ang tanging magagawa lamang ng local comelec office sa ngayon ay ipadala ang kahilingan ng City Council sa Comelec en Banc na palawigin ang voter’s registration.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Nilinaw rin ni Magbanua na tinitingnan din nila ang ibang aspeto sa pagbibigay ng tulong sa mga nakapila upang hindi umano mateknikal ang sanggunian.

Samantala, pinag-iingat na lamang ni Konsehal Magbanua ang mga nais magparehistro sa gitna ng sakripisyo.