1 kritikal, 2 sugatan sa aksidente sa bayan ng Brookes Point

Kritikal ang isang senior citizen habang dalawa ang sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa National Highway ng Barangay calasaguen sa Brookes Point, Palawan.

Kinilala ang mga biktima na sina Rey Paraiso Calugtong, animnapu’t apat na taong gulang na umano’y malubha ang kalagayan, minamaneho ang isang Rusi 150 motorcyle.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Kinilala naman ang mga nakabanggaan nito na sina Rodelyn Molones Magbanua at angkas nito na si Efren Pineda Magbanua.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa imbestigasyon ng pulisya, nanggaling sa tindahan si Rey nang bigla umano itong tumawid lulan ng motorsiklo dahilan para makasalpukan nito sina Rodelyn na patungo sa Poblacion ng Brookes Point.

Samantala, dinala na sa pagamutan ang mga biktima kaninang umaga.