Binawian ng buhay habang nasa ospital ang isang babae na kamakailang nanalo sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 matapos pinagbabaril sa loob mismo ng barangay hall sa Barangay 37, Zone 3, Pasay City.

Matapos ang ginawang krimen ay agad namang tumakas ang mga salarin.
Kinilala ng Pasay City Police ang biktima na si Lina Camacho, 58 anyos.
Si Camacho ay dating Barangay 37 treasurer na tumakbo bilang barangay kagawad at nanalo.
Sa ngayon, nagsasagawa ang Pasay-PNP ng entrapment operation para madakip ang mga nakatakas na suspek.