NAGA CITY- 1, 269, 408 na ang bakunado laban sa COVID-19 sa Camarines Sur sa 1,690, 835 target population o 75.08% base sa huling update ng Department of Health Bicol.
Sa fully vaccinated naman na may mahigit 1.4 milyong indibidwal na target 927, 977 pa lamang ang fully vaccinated o 65. 15%.
Bukod sa transmission ng sakit at bed utilization sinabi ni Dr. Desiree Bricenio na kasama rin sa bayatan ng pagbaba ng classification ay dapat ang 70% ng area target population ay fully vaccinated na at 80% ng target sa senior citizen ay fully vaccinated na rin.
Ilang mga bayan sa Camarines Sur ang hindi pa naabot ang target, gaya ng Tinambac sinabi sa Brigada News FM Naga kay Dr. John Paul Reazon na 57.8% pa lamang sila ng target o 33,000 ng 72,000 indibidwal.
Aniya marami na ang ayaw dahil mababa na ang kaso, maluwag ang restrictions at hindi naman na required sa mag establishments ang vaccination card. Marami rin ang ayaw talaga magpabakuna lalo na ang mga nasa malalayo at coastal Barangays.
Noong nagdaang taon, namigay na sila ng groceries, may incentives sa mga barangay at iba pa, ngayon upang madagdagan ang vaccination rate pinalalakas ang bakunahan sa paaralan , kung hindi pa bakunado ang magulang sila ang inuuna.