Minimum wage earners sa Central madadagdagan ng 40 pesos ang sahod

Aprobado na ng wage board sa Central Luzon ang minimum wage adjustment ng mga manggagawa sa rehiyon.

Ito ay matapos na kumpirmahin ni DOLE Regional Director Geraldine Panlilio na tapos na ang kanilang deliberation para sa umento sa sahod ng mga minimum wage earner sa Central Luzon.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ayon sa opisyal, 40 pesos ang napagkasunduan ng wage board na idagdag sa sahod ng mga manggagawa.

Ibibigay ang 30 pesos pagkatapos ng 15 days publication, habang ang natitirang 10 pesos naman ay sa January 2023 pa magiging epektibo.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Samantala, maging ang mga kasambahay ay madadagdagan rin ang sahod, base DOLE mula sa dating 4,500 ay magiging 5,000 na ito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO