1, 165 na mangingisda sa Camarines Norte mabibigyan ng Php3,000 na fuel subsidy

CAMARINES NORTE- Aabot sa 1,165 na mangingisdang gumagamit ng bangkang de motor sa lalawigan ng Camarines Norte ang mabibigyan ng fuel subsidy mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Noni Enolva, tagapagsalita ng BFAR Bicol, sinabi nito na hinihintay na lang nila sa ngayon ang mga discount card.

Aniya, naglaan ang ahensiya ng Php3, 000 fuel subsidy para sa mga rehistradong mangingisda na gumagamit ng bangkang de motor at naisumite na ang listahan ng mga benepisyaryo sa kanilang Central Office.

Kabilang sa mga partner gasoline station ng BFAR ay ang Unioil, Seaoil, Petron, Shell, Total at mayroon ding mga maliliit na gasolinahan.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

“Initially ang plano ay bigyan sila bawat pagbili ng ano ng fuel na 30 percent discount dun sa pinamili nila, pero yung maximum ay Php3, 000 pesos. So ngayon even without sheding out muna ng pera, gastusin, ubusin muna yung Php3,000 pwede na pong gawin, ani Enolva.

Ayon kay Enolva, isang beses lang itong gagawin pero hiling umano nila sa Central Office na humirit ng karagdagang pondo sa Department of Budget and Management (DBM) para mabigyan lahat ang mga rehistradong mangingisda.

Nabatid na sa 14, 553 rehistradong mangingisda na gumagamit ng bangkang de motor sa buong Bicol Region ay nasa 6, 427 lang ang mabibigyan ng fuel subsidy o wala pa sa kalahati.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

“Initially po yung ano, yung mga kasali po dito sa ano sa fuel subsidy or yung mga mabibigyan ng fuel subsidy ay kinuha po natin base doon sa mga staff from the Local Government Units so ibinangga po namin yung ano, yung kanilang mga pangalan basado po doon sa Fisher folk Registration System natin at saka yung RSBSA (Registry System for the Basic Sectors in Agriculture),  kasi may mga mangingisda po na may kakayahan din or medyo mas nakakaangat in terms of income, so ang talagang pinili po ng mga LGUs natin along with our Fisheries Livelihood Development Technicians ay ito talagang lubos na nagangailangan noong fuel discount card,” dagdag pa ni Enolva.