CAMARINES NORTE- Naitala ang increase sa price index ng ilang commodities sa lalawigan ng Camarines Norte noong Mayo.
Batay ito sa Special Release Report ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa Consumer Price Index For All Income Household sa lalawigan sa nabanggit na buwan.
Naitala ang increase sa price index ng Alcoholic Beverages and Tobacco na may 4. 33 percent change, gayundin sa pabahay, tubig, kuryente, gas at iba pang uri ng fuels na nakapagtala ng 2.03 change.
Mahal din ang transportasyon, Furnishings Household Equipment and Routine Maintenance of the House, clothing and footwear at Health .
Mataas din ang presyo sa personal care and Miscellaneous Goods and services, at Recreation and Culture.
Sa kabilang dako naitala naman ang “downtrend” ng price index sa Food and Non Alcoholic Beverages.
Habang stable price index naman ang naitala sa Education Services, Information and Communication, Restaurant and Accommodation Services at Financial Services.
Dahil dito naitala sa 0. 86 ang purchasing power of the peso sa lalawigan ng Camarines Norte noong Mayo.
Ibig sabihin ang halaga ng piso noong 2018 ay 86 sentimos na lang noong Abril.
Nangangahulugan ito na kakailanganin ng consumer ang P116. 40 para mabili ang parehong dami ng halaga ng produkto at serbisyo noong 2018.
