1.15-million AstraZeneca doses para sa pribadong sektor, inaasahang darating ngayong araw

Inaasahang darating ngayong araw ang first tranche ng AstraZeneca vaccines na na-procure ng pribadong sektor.

Ayon kay Presidential adviser for entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion, iwe-welcome nila ngayong araw ang kabuoang 1.15-million doses ng AstraZeneca vaccines na na-order ng pribadong sektor.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Dagdag ni Concepcion, madadagdagan pa ito ng 1.15-million doses sa Agosto habang ang natira ay inaasahang ipadadala sa mga susunod pang buwan.

Inihayag ng opisyal na aabot sa kabuoan na 2.75-million na empelyado mula sa tinatayang 500 kompanya ang inaasahang makikinabang sa mga darating na bakuna.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Iginiit ni Concepcion na ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng marami nitong kontribusyon para makatulong sa bansa laban sa COVID-19.