𝟮 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗜𝗖𝗜𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗠𝗨𝗧𝗔𝗡

Nagpapagaling sa pagamutan ang dalawang katao na nasugatan sa nangyaring aksidente sa bayan ng Brgy. Apanay, Alicia kahapon ng madaling araw, July 3, 2023.

Ang mga sugatan ay sina Edralina Pascual at si Fremia Lucas habang ang tsuper ng sasakyan na si Pedro Borromeo at Julio Javier ay hindi naman nagtamo ng anumang sugat sa katawan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Makikita rin sa uploaded video na wasak ang harapang bahagi ng sasakyan makaraang mabangga ang concrete barrier at mahulog pa 5 meters ang lalim mula sa national highway.

Sa inisiyal na imbestigasiyon ng PNP Alicia, patungong north direksiyon papuntang Cauayan City ang sasakyan na minamaneho ni Borromeo.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon pa sa kapulisan, nakatulog habang nagmamaneho ang tsuper na dahilan para mabangga ang concrete barrier at mahulog sa lalim na 5 feet mula sa national highway.

Inilipat na sa isang pagamutan sa Cauayan City ang mga nasugatang biktima para sa karagdagang medikal na attensiyon.