Nailigtas ang labing-apat na kababaihan na biktima umano ng sexual exploitation sa Baguio City matapos ang isinagawang anti-trafficking operation ng National Bureau of Investigation – Cordillera.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang nasabing mga kababaihan ay nula umano sa Visayas kung saan nakatakda umano silang pagtrabahuin sa isang Bar.
Nakatakas naman ang sinasabing Manager ng mga ito na kinilala sa pangalang Jess habang tinutukoy na ng mga otoridad ang may-ari ng establishimentong pagtatrabahuan ng mga nailigtas na kababaihan.
Ayon pa rito ang manager at proprietor ay mahaharap sa kasong human trafficking violations.
Batay sa US State Department mayroong 1,277 na biktima ng human trafficking sa Pilipinas ngayong taon kung saan 740 rito ay sexual exploitation at 537 ang labor trafficking.