Nagpapatuloy ang isinasagawang balidasyon ng Department of Social Welfare and Development Region 2 sa mga benepisaryo ng Unconditional Cash Transfer at Cash Card Distribution.
Ayon sa ahensya, ang naturang hakbang ay bahagi pa rin ng Listahanan 3 kung saan nasa 896 na benepisaryo na ang tumanggap ng cash cards mula sa Landbank of the Philippines.
Ang nasabing bilang ng benepisaryo ay mula sa Nueva Vizcaya kung saan 154 rito ay galing sa Villaverde, 394 sa Bayombong, 152 sa Kayapa at 196 naman ang mula sa Palanan, Isabela.
Layunin ng naturang program ana matulungan ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pamamahagi ng cash subsidy sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.