𝟭𝟬𝟬 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗟𝗢𝗡𝗔, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝟰𝗣𝘀

Pormal nang nagtapos ang 100 pamilya sa Pamplona, Cagayan sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kahapon, September 8 sa pamamagitan ng isang ceremonial graduation.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team kay Elizabeth Guillermo, isa sa mga graduates, sinabi nito na marami aniya siyang natutuhan dahil sa 4Ps.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Katulad na lang sa kahalagahan ng edukasyon kung saan naging madali na rin aniya na mapanatili ang kanilang mga anak sa paaralan upang ituloy ang kanilang mga pangarap.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Bukod dito, isinagawa rin ang pagbibigay pugay sa 26 na 4Ps college graduates kung saan 14 dito ay nakakuha na rin ng kanilang mga lisensiya.