𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗘𝗛𝗜𝗖𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗔𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 – 𝗜𝗣𝗣𝗢

Pagpapaigting sa mga checkpoint ang nakikitang solusyon ng Isabela Provincial Police Office (IPPO) para mabawasan ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorista.

Sa naging panayam kay PLt. Leonardo Mamerga, ang Chief Pre-Charge Investigator ng IPPO ng Brigada News FM sa kaniyang pagbisita sa 88th episode ng UP-UP Cagayan Valley ng Tactical Operation Group 2.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sinabi nito na sa pamamagitan ng mas pinaigting na checkpoint ay posibleng makatulong ito sa pagbaba ng mga vehicular accidents.

Maski aniya siya ay napansin ang pagtaas ng mga insidente na kinasasangkutan ng mga motorista.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Tiniyak naman nito na 24/7 ay mayroon silang itinatalagang mga tauhan para magbantay sa mga checkpoint areas.

Kaugnay nito, pinaalalahan naman niya ang bawat motorista na panatilihing mag-ingat sa pagmamaneho.