Nagsagawa ang PDEA Region 2 katuwang ang Land Transportation Office ng surprise mandatory drug testing sa mga personnel sa tatlong bus terminal sa Tuguegarao City, Cagayan.
Ito ay kasabay ng implementasyon ng Oplan Balik Eskwela ng tanggapan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero lalo na ang mga mag-aaral.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PDEA Region 2, aabot sa isandaang mga drayber ng Bus, tricycle, van at jeep ang sumailalim sa drug test kung saan tatlo sa mga ito ang nagpositibo.
Dahil dito, tinututukan na rin ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan na bumabiyahe patungong Metro Manila at pabalik ng rehiyon dos.
Samantala, nagpatupad rin ng programa ang PDEA na magbibigay impormasyon sa mga mag-aaral na maiwasang masangkot sa iligal na droga at tuluyang pagsawata nito.