𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗔; 𝗧𝗔𝗦𝗞 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘 𝗔𝗦𝗙, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗢

Ipinagbabawal muna sa City of Ilagan ang pagpasok ng baboy, frozen at uncooked meat products alinsunod sa inilabas ng LGU na Executive Order No. 024 o “order banning the entry of swine, hogs, pigs and its by-products.”

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay LGU City of Ilagan Information Officer Paul Bacungan, kasabay ng kautusan ay nakalatag na noon pang lunes, September 25, 2023 ang Task Force ASF sa Barangay Alibagu, San Juan, Cabisera 2, Cabisera 10, Cabisera 23, Gayung0gayung Sur, Bagong Silang, Mangcuram, Sta. Isabel Norte at News Ilagan Public Market.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Aniya, nagkaroon ng kautusan sa pag-ban sa pagpasok ng baboy maging frozen at uncooked meat products upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaso ng ASF sa City of Ilagan dahil mayroon na umanong napaulat na kaso sa karatig nitong bayan.

Ito rin ay hakbang aniya ng LGU City of Ilagan sa pangunguna ni Mayor Jay Diaz upang maprotektahan ang swine industry sa lunsod maging ang mga backyard hog raisers.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Dagdag pa ni Information Officer Bacungan, magkakaroon ng inspection ng ibinebentang meat products sa mga talipapa, palengke, meatshop at supermarket.

Bukod dito, minomonitor na ng City Agriculture at City Veterinary Office ng Ilagan ang kanilang 91 Barangays upang agad na ma-isolate sakaling may mapaulat na tinamaan ng ASF ngunit sa ngayon ay wala pang kaso sa lunsod.

Pinaalalahanan naman nito ang mga residente ng Ilagan na agarang isangguni sa kanilang tanggapan sa oras na makitaan ng simtomas ang kanilang alagang baboy upang maaksyunan ito ng LGU.