𝗝𝗔𝗩𝗘𝗟𝗜𝗡 𝗧𝗛𝗥𝗢𝗪𝗘𝗥 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗢𝗟𝗜𝗩𝗘𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔,𝗚𝗢𝗟𝗗 𝗠𝗘𝗗𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔

Nasungkit ni Baby Jane Santos mula sa Andabuen Elementary School ang gold medal sa larong javelin throw sa 2023 Palarong Pambansa.

Ang bamboo sticks ang tanging ginamit ni Santos sa pag-eensayo ng Javelin throw sa lalawigan ng Isabela kung saan ang kakulangan sa kagamitan ay hindi naging hadlang sa kagustuhang masungkit ang gintong medalya.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Nakapagtala si Santos ng 31.27 meters dahilan upang matalo nito ang pambato ng Zamboanga Peninsula at Bicol Region.

Inihayag ng coach ni Santos na si Ferdinand Laggui Jr. na mula Benito Soliven ay bumabiyahe pa sila patungong Sta. Maria ng dalawang oras upang mag-ensayo.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Dagdag pa nito, si Santos na tubog Benito Soliven, Isabela ay anak ng magsasaka kaya’t nakuha rin aniya ang kaniyang lakas sa pagtulong sa kaniyang magulang na magtanim ng mais at pagbubuhat ng timba na may lamang tubig.