𝗗𝗲𝗯𝗿𝗶𝘀 𝗻𝗴 𝗿𝗼𝗰𝗸𝗲𝘁 𝗻𝗮 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗹𝗶𝗽𝗮𝗱 𝗻𝗴 C𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝗸 𝘀𝗮 C𝗮𝘁𝗮𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻𝗲𝘀

BNFM BICOL – Nagbigay babala ang Philippine Space Agency o PhilSA sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa rocket ng Tsina malapit sa karagatang sakop ng Panay sa Catanduanes at Vigan sa Ilocos Sur.

Kinumpirma ito ng ahensya Miyerkules, Marso 20 kasabay ng pagpapalipad ng Beijing ng Long March 8 rocket sa space launch craft sa Wenchang, Hainan China.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Habang hindi naman inaasahan ang pagbagsak nito sa lupa o residential areas, pinag-iingat naman ng ahensya ang mga mangingisdang pumapalaot dahil maaari anila na sa mga susunod na araw ay nahulog na ito sa karagatan. Dahil ito ay may dalang kemikal na maaarig makalason sa tao.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Kaugnay nito, mungkahi sa publiko na ipaalam sa mga awtoridad sakaling makatuklas ng mga tipak o debris mula sa nasabing  rocket. ### JEREMY LESNIANA, Intern

IMAGE: Philippine Space Agency