DFA, inaaral na ang posibleng pagpapababa sa alert level ng Pilipinas sa Myanmar

Kinokonsidera na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagda-downgrade sa ipinatutupad na alert level status sa Myanmar.

Kumambyo si DFA Usec. for Migrant Workers’ Affairs Eduardo de Vega sa una niyang pahayag na malabo pang ibaba ang alert level 4 sa naturang Southeast Asian country.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni de Vega na pinag-aaralan na nila sa ngayon ang apela ng mga overseas Filipino workers doon na ibaba ang naturang alert level.

Sa kabila niyan, hindi pa rin daw ito maaaring tuluyang i-lift lalo na’t kailangan pa ring maibalik sa normal ang sitwasyon sa Myanmar.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Maaalalang 2021 nang itaas ang lebel ng alerto sa 4 dahil sa patuloy na instability na dulot ng miltary takeover.