𝟭𝟳𝟰 𝗛𝗜𝗥𝗘𝗗-𝗢𝗡-𝗧𝗛𝗘-𝗦𝗣𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮

Nasa 174 ang hired-on-the-spot na job seekers sa katatapos na ginanap na job fair sa tatlong malalaking mall sa rehiyon dos kahapon kasabay ng 125th Independence Day.

Batay sa report ng DOLE Region 2, ginanap ng sabay-sabay ang job fair sa tatlong malalaking malls sa rehiyon kung saan mayroong 99 employers ang nakilahok at mayroong 4,107 job vacancies.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Mula sa 793 registered applicants mayroong 174 job seekers hired on the spot na may 21.94% hiring rate.

Karamihan sa mga bakanteng trabaho na inaplayan ng mga job seekers at mula sa sektor ng business process outsourcing, manufacturing, retail and sales, construction, at financial and insurance activities.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Bukod pa rito, iginawad din ang TUPAD livelihood assistance at TUPAD payouts sa mga benepisyaryo na nasa 8,276 na nagkakahalaga sa 21.2 million pesos.

Samantala ang mga starter kits livelihood assistance na ibinigay sa 712 beneficiaries ay may kabuuang halaga na 13.2 million pesos.