Binigyan ng isang buwang palugit ang kontratista ng ginagawang kalsada sa bahagi ng national highway ng Old Cabalan, Olongapo.
Ito ay makaraang abutan ng malalakas na buhos ng ulan ang paglalagay ng culvert dahilan para anurin ng baha ang itinambak na lupa, bato at buhangin sa ibabaw ng kalsada na nagdulot ng pagbagal sa usad ng mga sasakyan.
Ayon kay Engr.Sammy Bilog ng Department of Public Works and Highways 2nd Engineering District, patapos na sana ang konstruksyon dahil tanging aspalto at pagbubukas ng culvert na lang ang gagawin.
Ang proyekto ay inaasahan sanang matatapos bukas pero dahil sa sama ng panahon kaya nagbigay ng 30-days extension ang DPWH.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
