Vehicular accidents, pangunahing insidente na naitatala ng Reina Mercedes PS

Aabot na sa walong insidente ng vehicular accidents ang naitatala ng Reina Mercedes Police Station (RPMS) sa kalagitnaan pa lamang ng Hunyo.

Sa inilabas na datos ng Reina Mercedes PS, isang insidente ang naitala sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) to Homicide, isa rin ang RIR to Physical Injury, tatlo ang RIR to Damage to Property, at tatlo rin ang self-imposed accidents.

Sa panayam ng Brigada News FM kay PMaj. Charles Cariño, ang Officer-In-Charge ng RMPS, nagsasagawa sila ng anti-criminality checkpoint araw-araw kung saan patuloy din ang kanilang information campaign hinggil sa mga safety precautionary measures tuwing nagmamaneho.

Read More:  UP Diliman student leader killed in what military describes as encounter in Negros

Ito ay isa sa kanilang mga hakbang upang mapababa ang incident rate ng mga vehicular accidents.

Mayroon ding Oplan “SITA” ang RMPS na nagpapaalala sa mga motoristang walang suot na helmet, at walang lisensiya na naglalayong pagbawalan ang mga ito na magmaneho hangga’t walang kaukulang mga safety gears at mga dokumento.

Read More:  Woman weeps as husband carries her to safety amid Negros town clashes

Kaugnay nito, noong nakaraang buwan ay nakapagtala ang RPMS ng 10 insidente ng vehicular accidents.

Samantala, patuloy din na hinihikayat at pinapaalalahanan PMaj. Cariño ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho at sumunod sa mga batas trapiko upang maiwasan ang paglabag sa Municipal Ordinance ng Reina Mercedes at sa batas ng Land Transportation Office na may mga kaukulang mga parusa.