4 na drug suspect arestado, milyones na shabu narekober

TIKLO ang 4 na drug suspek sa buy bust operation ng kapulisan.

Nangyari ito nitong Martes, Hunyo 18 sa Brgy. Basak Pardo, Cebu City.

Ang mga naaresto ay pawang mga lalaki na kinabibilangan ng dalawang High Value Individual.

Nasabat ang lampas 220 grams ng shabu na may magihit 1 milyong piso ang halaga.

Nakumpiska rin ang isang unit ng kalibre 45 na baril na walang serial number.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga naaresto para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *