Pusa na pinaniniwalaang pinakain sa ahas sa loob ng mini zoo, kinondena

KINONDENA ng netizens ang kumakalat na video ng pusa na nasa loob ng isang mini zoo sa Masbate City.

Makikita sa video na katabi ng ulo ng ahas ang isang basang pusa, hindi gumagalaw at tila nakikiramdam.

Read More:  24-year-old female rider dies in six-vehicle crash at Cebu City

Ayon sa uploader, umakyat umano ang pusa sa puno para hindi makain ng ahas subalit binasa ng caretaker kaya nahulog.

Agad na tinungo ng City Veterinarian Office ang lugar ngunit isang patay na manok lamang ang nakita.

Read More:  CAFGU member killed, two soldiers wounded in clash with NPA group in Negros Occidental

Nakikipag-ugnayan na ang LGU sa Bureau of Animal Industry and Welfare Division at DENR.

Sa ngayon, sigaw ng mga netizen na imbistigahan ang video at parusahan ang may gawa nito.