𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦𝗔𝗕𝗢𝗚, 𝗡𝗔𝗥𝗘𝗞𝗢𝗕𝗘𝗥

Nadiskubre ng kapulisan ang matataas na kalibre ng baril at pampasabog sa Sta. Teresita at Lal-lo, Cagayan.

Ayon sa Police Regional Office 2, kabilang sa mga nakumpiska ay isang unit ng M-14 rifle, 21 piraso ng 7.62 ammunition, isang magasin ng M-14, improvised explosive component at iba pang uri ng baril at pampasabog.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sa ngayon ay idinala na sa Sta. Teresita Police Station ang mga nakumpiskang pampasabog at baril para sa karagdagang dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Pinuri naman ni PBGen Christopher Birung ang Acting Regional Director ng PRO2 ang mga kapulisang tapat na isinasagawa ang tungkulin upang mawakasan ang insurhensiya sa Lambak ng Cagayan.