𝗜𝗦𝗨-𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘 𝗢𝗙 𝗟𝗔𝗪, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗢𝗩𝗘𝗥𝗔𝗟𝗟 𝗣𝗘𝗥𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗖𝗢𝗥𝗘 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗕𝗔𝗥 𝗘𝗫𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮

Nakuha ng Isabela State University – College of Law ang pinakamataas na overall performance score sa nakaraang 2023 Bar Examination para sa buong lambak ng Cagayan.

Base sa datos ng Office of the Bar Confidant-Supreme Court, nakapagtala ang ISU-COL ng 34.77%; sinundan naman ito ng Saint Mary’s University na mayroong 29.63%; habang nasa ikatlong pwesto naman ang Northeastern College sa Santiago City na may 26.32% overall score.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Samantala, 22.86% naman ang overall score ng University of Cagayan Valley; 21.74% sa Cagayan State University; 21.62% sa Kalinga State University, at nakakuha naman ang University of La Sallete ng 14.29%.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Kung matatandaan, noong December 5, 2023 inilabas ng Korte Suprema ang listahan ng mga pumasa sa Bar Exam kung saan mula sa 10,387 examinees ay tanging 3,818 lamang ang mga pumasa.