Nakapag-comply sa PUV Consolidation ang ilang tsuper ng Jeep na bumabiyahe sa Lunsod ng Cauayan bago pa ang itinakdang deadline ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nagtapos na noong December 31, 2023.
Sa naging panayam ng Brigada News Team kay Mr. Jose, isang driver operator ng Modern PUV at kabilang sa kooperatiba sa San Mateo, noong nakaraang taon pa aniya ay nakapag-comply na ang kanilang kooperatiba sa PUV consolidation.
Aniya, nasa dalawampu’t pito ang miyembro sa kanilang kooperatiba kung saan mayroon na silang hawak na 16 unit ng modern PUV na mayroong capacity na 24-25.
Bumabiyahe ang kanilang mga unit araw-araw kung saan ang kanilang ruta ay Cauayan City – Santiago City via San Mateo.
Dagdag pa nito, pareho lamang ang pamasahe ng Modern PUV at ng Traditional Jeepney at sinusunod rin nila ang 20% na discount sa mga estudyante at senior citizen.
Paalala naman nito sa mga kapwa motorist na maging-ingat sa pagmamaneho lalo na kapag umuulan.
Samantala, ayon sa DOTr ay papayagang mamasada hanggang January 31, 2024 ang mga driver/operator na bigong makapag-comply sa PUV consolidation kasabay ng pagbibigay ng show cause order.