𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗥𝗘𝗪𝗢𝗥𝗞𝗦-𝗥𝗘𝗟𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗜𝗡𝗝𝗨𝗥𝗬 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮, 𝗡𝗔𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗣𝗔; 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗔-𝗔𝗗𝗠𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟

Umabot na sa animnapu’t isa ang kaso ng fireworks-related injury sa Lambak ng Cagayan matapos ang pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.

Batay sa ibinahaging datos ng Department of Health Region 2, mula sa nasabing kaso ang animnapu ay gumaling na habang ang isang biktima naman ay naka-admit pa sa pagamutan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Mayorya sa nasabing kaso lalaki at nasa 7 hanggang 76 ang kanilang edad at karamihan ay mula sa probinsya ng Isabela.

Mula sa 61 na bilang, 54 ang nagtala ng blast/burn injury without amputation, walo ang nakaranas ng eye injury habang isa naman ang nagkaroon ng blast/burn injury with amputation.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kaugnay dito, limampu’t dalawang porsyento mula sa nasabing biktima ay kwitis ang ginamit na paputok.

Samantala, wala pa namang naitatala na kaso ng fireworks ingestion at tinamaan ng ligaw na bala.