𝗚𝗨𝗡-𝗙𝗢𝗥-𝗛𝗜𝗥𝗘 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗦𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗟𝗜𝗩𝗘 𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗡𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗘𝗖𝗜𝗝𝗔, 𝗡𝗔-𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗡𝗔

Kinumpirma ng mga awtoridad kahapon, December 12, na napasakamay na nila ang tinaguriang gun-for-hire na isa rin sa dalawang suspek sa pagpatay sa mag-live in partner sa loob ng bus sa Caranglan, Nueva Ecija.

Base sa report ng Police Regional Office 3 (PRO3), nahaharap na pala sa kasong statutory rape at sexual assault si Allan Delos Santos na siyang dahilan ng pagkakadakip nito noong ika-20 ng Nobiyembre.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Subalit bukod sa mga nabanggit na kaso, boluntaryo ring inamin ni Delos Santos na may kinalaman siya sa pamamaslang kina Gloria Mendoza Atilano at Arman Bautista.

Napag-alaman din na kilala si Delos Santos bilang gun-for-hire na may area of operation sa Nueva Ecija at sa lalawigan ng Isabela.

Noong lunes, December 11, ay nasampahan na criminal complaint para sa 2 counts of murder ang naturang suspek at iba pa nitong mga kasama na hindi pa pinangalanan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kung matatandaan, ika-15 ng Nobiyembre naganap ang karumal-dumal na krimen sa loob ng bus na siya namang ikinasawi ng mag-live in partner.

Samantala, tiniyak naman ni PRO3 Regional Director na si PBGen. Jose Hidalgo Jr. na patuloy ang isinasagawang police operation para maaresto na rin ang iba pang sangkot sa naturang krimen.