Lalaki, natagpuang patay sa isang hardware store sa Sta. Ana, Maynila

Natagpuang wala nang buhay ang isang lalaki sa isang hardware store sa Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat ng otoridad, ang biktima ay may tangkad na 5’4 hanggang 5’5, walang suot pang-itaas at naka-denim pants.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kwento ng staff ng tindahan, papasok na sana siya nang matagpuan ang katawan ng lalaki at sinubukan pa nitong gisingin sa pag-aakalang natutulog lamang.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Dumating ang Manila Police District (MPD) Homicide Section sa crime scene at kumuha ng sample sa katawan ng biktima para i-autopsy.

Sa ngayon, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang naturang istasyon upang malaman na ang pagkakakilanlan ng lalaking nakahandusay.