𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗, 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡

Muling ipinaalam ng pamunuan ng DSWD Field Office 2 ang kanilang Government Internship Program para sa mga kabataang estudyante na nais magkaroon ng trabaho habang nasa bakasyon.

Sa Up-Up Cagayan Valley ng Tactical Operations Group 2, inihayag ni Mylene Ataban ng DSWD Region 2 na upang maging kwalipikado sa nasabing programa ay dapat nasa ika-18 hanggang ika-22 taong gulang ang mga ito.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Made-deploy naman ang mga papasa sa Internship Program sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno katulad na lang sa mga Local Government Unit.

Masusing proseso rin ang pagdadaanan ng mga aplikante lalo pa at susuriing mabuti ng ahensya ang mga kwalipikasyon at prayoridad aniya ang mga indibidwal na nasa laylayan ng lipunan.

Sa mga nais sumubok sa Internship Program ay maaaring magtungo sa mga pinakamalapit na opisina ng ahensiya.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, muli ring pinaalalahanan ng DSWD ang mga magulang na hinahayaang magtrabaho ang kanilang mga batang anak na huwag na nilang payagan ang mga ito na mamalimos at magtrabaho.

Aniya ipapatawag ng CSWDO ang mga magulang na lalabag sa Child Labor Law at sasailalim sa mga counseling series.