Dead-on-Arrival ang isang lalaki matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na kotse sa Barangay Guibang, Gamu, Isabela, kagabi, November 13.
Kinilala ang nasawi na si Alexander Tomas, 50-anyos, lulan nito ang honda XRM, habang nasa Toyota Vios naman si Private Gener Galolo, Gangani, 38-anyos, at miyembro ng AFP na kasalukuyang naka-destino sa 5th ID.
Batay sa imbestigasyon ng mga pulisya, papuntang Naguillian, Isabela ang kotse habang binabagtas naman ng motorsiklo ang pa-hilagang direksiyon.
Nang marating ang pinangyarihan ng insidente, bigla na lamang pumunta sa kabilang linya ang drayber ng motor dahilan para mabangga nito ang Toyata Vios.
Nag-resulta ang banggaan ng matinding pinsala sa katawan kay Tomas na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklara itong DOA ng kaniyang attending physician.
Sa kasalukuyan ay dinala na ang parehong sasakyan sa Gamu PS para sa tamang disposisyon at patuloy pa ring inaalam kung magkano ang naging damage ng mga ito.