𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗔𝗕𝗢𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮

Magsasagawa ang Department of Agriculture Region 2 ng pamamahagi ng libreng abono sa mga kwalipikadong magsasaka sa Lambak.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, mula sa 20,000 metric tons na ipinamahagi sa Region 1,2,3,4a at 5 ay nasa 125,000 bags ang inilaan sa rehiyon dos.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Dumating na rin ang sampung sasakyan na nagdeliver sa nasabing bilang ng abono.

Ang mga kwalipikadong magsasaka na mabibigyan ay mga magsasakang nakapagtanim na ngayong wet season, mga nabigyan ng binhi  at rehistrado ng Registry System for the Basic Sectors in Agriculture o RSBSA.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Sa mga magsasakang mayroong palayan na 0.1 hanggang 0.6 hectare at makatatanggap ng isang bag ng urea habang dalawang bag naman ang mga mayroong isang ektaryang sakahan.

Dagdag pa ng DA Regional Field Office 2 ang mga magsasaka na tatanggap ng abono ay kailangan magpresenta ng valid government ID at kanilang picture.