Residenteng positibo sa COVID-19 na isa sa 30 closed contacts ng unang nagpositibong evacuee sa Albay, kumpirmadong evacuee rin ng kaparehong evacuation center – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Evacuee rin ng kaparehong evacuation center sa Brgy. Gabawan, Daraga, Albay ang residenteng nagpositibo sa COVID-19 na isa sa tatlumpung closed contacts ng kauna-unahang evacuee na nagpositibo sa nasabing sakit.

Ito ay kinumpirma ni DOH Bicol Health Program Officer 1 Denise Bobis sa Brigada News FM Legazpi.

Tinukoy ng tanggapan kagabi na ang nasabing kumpirmadong panibagong kaso ng COVID-19 ay ang labindalawang taong gulang na lalaki na nanunuluyan din sa kaparehong pasilidad kung nasaan ang unang evacuee na nagpositibo.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ayon kay Bobis, kasalukuyan na itong naka-isolate sa Daraga Infirmary.

Wala umanong nakita ang ahensya na alinmang simtomas ng COVID-19 sa nasabing pasyente.

Samantala, hindi pa matukoy ni Bobis kung ano ang relasyon nito sa evacuee rin na unang nagpositibo sa kaparehong pasilidad maging ang iba pang mga detalye ukol dito sapagkat ‘classified’ ang iba nitong mga impormasyon, subalit tiniyak naman niyang maibibigay ang nasabing impormasyon.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Matatandaan, naitalala nito lamang Lunes, Hunyo 19 ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa loob ng isang evacuation center sa nasabing barangay, kung saan ito ay walumpu’t dalawang taong gulang na babae mula sa Bgry. Matnog ng kaparehong bayan.

Habang kagabi ay nagpalabas na ng pahayag ang ahensya ukol naman sa pagpopositibo ng isa sa mga nakasalamuha nito.