Produksyon ng baboy sa Pilipinas, inaasahang bababa dahil sa patuloy na pagkalat ng ASF

Inaasahang bababa ang lokal na produksyon ng baboy sa Pilipinas dulot ng patuloy na pagkalat ng African swine fever.

Ayon sa report ng United States Department of Agriculture, binabaan ng Foreign Agriculture Service (FAS) Manila ang Philippine pork production projection sa 925,000 metric tons (MT) mula sa naunang pagtaya na 975,000 MT.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Iniugnay din nito sa posibleng pagbaba ng produksyon ang patuloy na pagkalat ng ASF sa mga lalawigan sa central at western Visayas regions, kabilang ang Negros Occidental, Negros Oriental, at Aklan.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Maaalalang, nauna nang sinabi ng Bureau of Animal Industry (BAI), na may napatunayan nang epektibo bakuna laban sa ASF na dumaan na sa clinical trials sa 6 na lugar sa Luzon.