Matagumpay ang naging pagsalubong ng mga Cauayeño sa paggunita ng bagong taon.
Ito ang naging pahayag ni POSD Chief Pilarito Mallillin sa naging panayam ng Brigada News FM Cauayan sa kaniya ngayong araw, January 02.
Aniya, naging aktibo ang kanilang hanay sa pagbabantay simula pa noong pasko hanggang sa mismong araw ng bagong taon.
Dagdag pa niya, may mangilan-ngilan ding naputukan sa lungsod pero hindi naman aniya ito malala.
Naging maayos din ang daloy ng trapiko sa pagsalubong ng taong 2024 sa naturang lungsod.