𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥𝗦’ 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Naghahanda na ang pamunuan ng Department of Education – Isabela para sa pagdiriwang ng 2023 National Teachers’ Month na magtatapos sa October 5, 2023.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, inatasan ng SDO Isabela ang bawat paaralan na kanilang nasasakupan na makiisa sa month-long celebration na ito sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng iba’t ibang programa at aktibidad para sa lahat ng mga guro.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ang 2023 National Teachers’ Month ay mayroong temang Together 4 Teachers: Appreciation, Admiration, Approval, at Attention.

Kaugnay nito, nagbigay naman ng pahayag ang isang Education Graduate at License Professional Teacher na si Marc Gerome Gironella hinggil sa kakulangan ng items para sa mga katulad niyang nais maging guro sa DepEd.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Aniya, magbigay dapat ang education department ng mas maraming oportunidad para sa mga graduates na inaasahang mabigyang pansin.