𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗨𝗚𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗜 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗚𝗬 𝗦𝗔 𝗘𝗖𝗛𝗔𝗚𝗨𝗘, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Nasa pangangalaga na ng Echague PNP ang isang lalaki makaraang subukang pasukin ang bahay at pagbantaan nitong sunugin pa ang bahay ng Brgy. Captain na kaniyang mismong pinsan sa Brgy Malibagu Echague, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si Randy Baracao residente sa nabanggit na lugar habang ang biktima ay kinilalang si Brgy. Captain Jay Baracao.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PMaj. Rogelio Natividad ang hepe ng Echague PNP, nakatanggap ang kanilang himpilan ng tawag mula kay Brgy. Captain na may taong nakapasok sa kanilang bakuran.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sabi ng opisyal, pasado alas-dose kaninang madaling araw, sumilip sa bintana ng kanilang bahay ang biktima dahil sa napansin na parang may pilit magbukas sa kanilang maindoor.

Dito nga at nakita ang kanyang pinsan na si Randy kung saan sinabihan pa ang biktima na kung hindi siya pagbubuksan ay susunugin nito ang bahay.

Nang makarating ang mga rumespundeng pulis sa nasabing barangay ay agad tumakbo ang suspek at nagtago sa may rice harverter subalit agad din itong naaresto.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Patuloy pa ring inaalam ng kapulisan kung ano ang plano ng suspek kung bakit gustong pumasok sa bahay ni kapitan.

Samantala, ang suspek ay dati nang nasangkot sa iligal na gawain kung saan ayon pa kay PMaj. Natividad katatapos lamang nito ang kanyang probation.

Nahaharap ngayon sa kasong qualified trespass to dwelling ang suspek.