Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang menor-de-edad matapos itong bumangga sa kilometer post kahapon, December 26, sa may national highway ng Brgy. Palagao, Jones, Isabela.
Kinilala ang nasawi na si alyas “Justine”, 17-anyos, at residente ng Brgy. 2, Jones, Isabela.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, binabaybay ng estudyante ang kalsada mula Jones proper papuntang San Agustin, Isabela.
Pagkarating sa pinangyarihan ng insidente, nawalan ng kontrol sa kaniyang motor dahilan para bumangga ito sa kilometer post ng naturang kalsada.
Dahil dito, nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan si Justine at mabilis na isinugo sa pagamutan subalit idineklara na siyang dead-on-arrival ng kaniyang attending physician.