Ilang biktimang sa pagsalpok ng jeep sa puno sa Angono, Rizal, nakalabas na ng hospital

Ligtas at tuluyan ng nakalabas ng ospital ang siyam sa labing-anim na biktima ng pagsalpok ng jeepney sa may puno kagabi sa bahagi ng Manila East Road sa bayan ng Angono, Rizal.

Ayon sa awtoridad, nakalabas agad ang mga ito matapos makapagtamo lamang ng minor injuries.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Samantala, inilipat naman ang isang binatilyo sa Amang Rodriquez Hospital mula sa Angono General Hospital dahil sa sugat nito sa mata na kinakailangang tutukan ng isang espesyalista.

Maalala, ayon sa pulisya, papunta sana ng Binangonan ang byahe ng jeepney nang mayroon itong makagitgitan na naging dahilan ng pagkabig ng tsuper at pagbangga nito sa puno.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa kasalukuyan, nasa ilalim na ng kustodiya ang sinasabing tsuper na nakagitgitan nito upang kumaharap sa kasong ‘reckless imprudence resulting in multiple physical injuries’.

(PHOTO COURTESY: Nathaniel David Dela Cruz)