Nagpapagaling na ngayon sa Tumauini Community Hospital ang isang grade 11 student matapos aksidenteng mabundol ng motor sa Brgy. Maligaya, Tumauini, Isabela kahapon, November 15.
Tubong Brgy. Carabatan Chica, Cauayan City, Isabela ang menor-de-edad na estudyante habang kinilala naman ang drayber ng motor na si Dominga Baquiran na residente ng Brgy. Balug, Tumauini, Isabela.
Sa insiyal na imbestigasyon ng Tumauini PS, galing sa hilagang bahagi ng kalsada ang biktima na tatawid sana sa national highway ng naturang lugar nang aksidente itong mabundol ng paparating na motor na papunta sa pa-timog na direksiyon.
Kaugnay nito, nasa kustodiya na ng Tumauini PS ang motor at ang drayber nito para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.