NAGA CITY – Muli na namang nagtipon ang mga stakeholders kabilang na sina City Councilors Melvin Ramon “omar” Buenafe, Chairman ng Peace and Order ,Public Safety and Disaster Management at Coun. Joselito del Rosario, Chairman din ng Public Utilities sa konseho para i-monitor ang nagpapatuloy na pagta-trabaho ng Naga City Center for Safety and Resilience o CESAR.
Kasalukuyan itong itinatayo sa New Balatas Development Area at may inisyal itong pondo na nagkakahalagang ₱200 milyong piso na donasyon naman mula sa isang senador at posibleng madagdagan pa, ayon kay Konsehal Del Rosario.
Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang ang CESAR ay siyang magiging sentro ng komunikasyon mula sa Public Safety Office at Naga City Police Office, na magbibigay ng malaking kapakinabangan sa operasyon ng mga ito sa trapiko at sa kriminalidad.