Koronadal public market may bagong pampublikong timbangan

KORONADAL CITY- TATLONG mga pampubliko timbangan ang operational ngayon sa merkado publiko ng Koronadal. Ito ang inihayag ni Rey Legaste,Executive Assistant for ecomic affairs at market in-charge sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Legaste, na layunin ng nasabing timbangan upang matulungan ang mga mamimili sa tamang timbang ng kanilang mga binili sa loob ng public market.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dagdag pa ni Legaste, na bago ang tatlong timbangan na kanilang inilagay kung saan maaaring makahingi ng tulong ang mga hindi marunong gumamit na mga mamimili sa mga kapulisan o CSU sa nasabing lugar.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Hiling ng opisyal sa mamimili na ipagbigay alam agad sa kanilang tanggapan kung may mga vendor na kulang sa timbang upang kanilang ma aksyonan.