₱1.4M halaga ng shabu nasabat sa High Impact operation sa Naga City, 2 umano’y tulak arestado

NAGA CITY- Tinatayang Php 1,496,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa dalawang subject sa ikinasang high impact drug buy bust operation.

Nangyari ito sa Barangay Cararayan, Naga City  Enero 5, 2023.

Nakilala ang mga suspek na sina Jerson B. Nebria, 39-anyos na  kabilang sa listahan ng City Recalibrated Personality on Illegal Drugs at Robert N. Luna, 29-anyos parehong mga residente ng nasabing barangay.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Naresto ang mga suspek ng pinagsanib na mga operatiba sa  Naga, Camarines Sur at PNP Bicol.

Nakabili ang mga operatiba ng heat-sealed transparent plastic sachet ng naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 25 na gramo sa halagang Php75,000.

Sa body search, narekober sa mga ito ang pitong (7) piraso ng shabu na may timbang na 195 na gramo.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa kabuuan, nasa 225 na gramo ng shabu ang nakumpiska na may tinatayang halaga na Php1,496,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinubukan ng BNFM na kunin ang pahayag ng dalawa habang nasa himpilan ng pulisya pero pareho silang tumanggi.