Satellite voter’s registration, sinimulan na ng City Comelec

Sinimulan na kahapon January 5, ng Sorsogon City Commission on Election ang Satellite Voters Registration.

Venue ng aktibidad ang 2nd floor ng SM City Sorsogon sa tabi ng SM Cinema at isinasagawa ito tuwing araw ng Huwebes at Biyernes at tatakbo sa buong buwan ng Enero nitong taon.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Bilang requirement, lahat ng mga magpaparehistro ay inaabisuhang magdala ng isang valid ID at photocopy nito.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Samantala, patuloy pa rin ang panawagan ng ahensya para sa mga kwalipikadong botante na magparehistro na habang nagpapatuloy pa ang mga isinasagawang voters’ registration hanggang Enero 31, 2023.