Pinuri ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang matagumpay na working trip ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa United States.
Ayon kay Zubiri, na hit umano ni Marcos ang ‘home run.’
Mababatid na dumalo ang pangulo sa United Nations General Assembly, nakausap si US President Joseph Biden Jr, at host ng iba pang engagements kasamasa ang business sector at ang Filipino community.
Giit ng senador na ang naturang klase ng face-to-face diplomacy na nagresulta ng tremendous dividends para sa Pilipinas, mula sa job-creating investments hanggang sa mga agreements na nagpopromote ng social good.
Dagdag ng Senate President, na sa harap na bumabangon palang ang mga bansa mula sa pandemya, may mga kompetisyon umano para sa produkto, pagpapalakas ng trade at pagpapalawak ng markets.
Pero ang Pilipinas umano, mapalad na mayroong isang ‘great salesman’ sa katauhan ni Marcos.
