Pabor ang Liga ng mga Barangay (LnB) sa panukalang ipagpaliban ang Dec. 5, 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa susunod na taon.
Ayon kay LnB national president Dr. Eden Chua Pineda, bukas ang grupo na ipagpaliban ang BSKE, dahil maraming pang mga barangay officials ang hindi pa nakakakompleto ng kani-kanilang mga proyekto, matapos magsilbi bilang mga frontliners sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Paliwanag ni Pineda, kinansela kasi ang barangay funds at inilaan sa COVID-19 response efforts.
Samantala, pabor din ang LnB chief sa panukala ng ilang mga mambabatas na magkaroon ng term extension sa barangay at SK officials ng anim na taon, mula sa kasalukuyang tatlong taon.
Giit nito, na ang mas mahabang termino para sa mga barangay officials ay malaking boost sa development ng security, peace at order measures sa kumunidad.
