Zubiri: maaaring kumalas ang Pilipinas sa RCEP sakaling bahain ng mga imports ang bansa

Inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maari umanong kumalas ang Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sakaling bahain ang mga local industries ng mga imported products.

Ayon kay Zubiri, na batay sa Senate resolution na nakasaad sa ratipikasyon sa mega-trade deal, nakasaad na maaring irekomenda ng Senate president sa pangulo ang withdrawal sa agreement.

Read More:  De Lima urges Senate to fulfill constitutional duty on VP Sara impeachment

Nang matanong naman ito kung handa ba niyang pangunahan ang pagrerekomenda para sa withdrawal, ay positibo ang naging sagot ni Zubiri.

Read More:  Drilon: Senate has no legal basis for protective custody

Sa gitna nito, iminungkahi nito na hindi kailangang tingnan ng Pilipinas ang “worst” na maaring mangyari matapos maratipikahan ang RCEP.

Samantala, sinabi naman ni Trade Secretary Alfredo Pascual, na ang effectivity ng RCEP ay inaasahan sa loob ng 90 araw.