Zubiri, kinumpirmang hindi pa nararatipikahan ng Senado ang RCEP

Hindi pa umano nararatipikahan ng Senado ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) dahil sa ilang mga concerns hinggil sa epekto nito sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, na ang RCEP ay kabilang sa mga paksa na tinalakay nila kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Speaker Martin Romualdez sa ginanap na pulong noong weekend.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Matatandaan na una nang naglabas ang Presidential Communications Office (PCO) ng pahayag na nagsasabing isinusulong ni Marcos ang ratipikasyon para sa free trade agreement.

Paliwanag pa ng Senate President, na nais umano ni Sen. Imee Marcos, chairman ng Senate foreign relations committee na siyang in charge sa deliberasyon sa lahat ng agreements at treaties na kailangan maratipikahan, na magsagawa ng isa pang pagdinig dahil sa kanyang mga concerns para sa agriculture sector.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ang RCEP ay isang free trade agreement na unang lumutang noong August 2012, saklaw ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mga partners nito na Australia, China, Japan, South Korea, at New Zealand.